MCGI TOPIC REVIEW: Tama bang Ipanalangin ang Isang Taong namatay na? 😇🙏😊

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! 😇

Magandang makabalik muli dito sa Community at masaya akong magbahagi muli ng isa na namang repleksyon sa isa sa mga naibahaging aralin sa YouTube Channel ng MCGI na sa aking palagay ay akmang akma sa kung ano man ang ipinagdiriwang ng karamihan.

Ngayon nga ay ang mundo ay nagdiriwang ng undas na kung saan ang aking ibabahagi ngayon ay merong connection tungkol dito at sana nga ay kahit papano base sa aking napag-alaman tungkol sa ibinahagi ay mabigyan ko ng maayos na paliwanag ito.

Ang pamagat ng aking pagbibigyan ng repleksyon ay "Tama bang Ipanalangin ang Isang Taong namatay na?"

Bago ako magsimula, taus puso muna akong magpapasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang Admin dito at sa lahat ng mga dumadalaw sa aking blog post, maraming maraming salamat po sa inyong lahat.

Sa aking palagay ang topic na ito ay napapanahon tayong maraming mga ngayon ang pumupunta sa sementeryo upang bumisita at Ipanalangin ang kanilang mga mahal sa buhay na namatay na.

Sa tanong na dapat pa bang Ipanalangin natin ang mga taong namatay na, mas mabuting alamin natin ito sa Salita ng Dios upang mas maintindihan natin ito at dahil ang Salita ng Dios ay totoo at talagang ating paniniwalaan.

Apocalipsis 20:12"At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.

Ayon sa Salita ng Dios na ating nabasa sa itaas ang taong namatay na ay agad na hinatulan ayon sa kanilang gawa. Ibig sabihin nito ay wala nang silbi ang ating mga panalangin sa mga taong namatay na dahil agad itong hahatulan ayon sa kung ano ang mga gawa nito noong buhay pa.

Kung kaya ang kaligtasan ng taong namatay na ay nakabasi sa kung ito ay gumawa ng magagandang gawain mula noong buhay pa ito hindi sa kung ano ang gagawin ng mga tao sa kanila o kung ipanalangin sila.

Ang pagpanalangin sa mga namatay ay hinding hindi na tatanggapin ng Dios dahil nga sa hindi naka basi sa pagpanalangin ng mga buhay upang maligtas ang mga namatay na.

Ating maintindihan dito na ang mga taong pumupunta sa sementeryo tuwing undas o kahit na ano mang mga pagkakataon na pinapanalangin ang mga taong namatay ay hindi na nararapat dahil ang pagpanalangin ay para lang sa mga buhay pa.

Tayong lahat ay pantay-pantay sa mga mata ng Dios at walang ika nga favoritism dahil ito ang hustisya ng Dios para sa lahat. Hindi maaring gumawa tayo ng mga masamang gawa ay maliligtas pa rin tayo dahil sa mga panalangin ng mga buhay.

Walang palakasan o favoritism sa Dios, kung tayo ay mamamatay tayo ay agad na hahatulan ng Dios sa kung ano man ang mga nagawa natin noong buhay pa tayo.

Walang magagawa ang mga panalangin na siyang pinaniniwalaan nang iba na makakatulong upang maligtas ang mga tayong namatay ng gumagawa ng masama.

Kung kaya habang tayo ay nabubuhay pa ay gumagawa tayo ng mga magandang gawa dahil dito tayo maliligtas sa panahong tayo ay mamatay at hahatulan ng Dios.

Ezekiel 14:20"Bagaman si Noe, si Daniel, at si Job, ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man; ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling kaluluwa sa pamamagitan ng kanilang katuwiran.

Isang magandang halimbawa na ating mababasa sa Bibliya na tayo ang may hawak ng ating kapalaran sa panahon ng paghuhukom ng Dios ay mababasa natin sa itaas.

Dito ipinaliwanag na habang sila Noe, Daniel at Job ay hinatulan ng Dios, hinding hindi nila maililigtas ang kahit isa sa kanilang mga anak lalake o babae dahil sariling kaluluwa lamang kanilang maililigtas, at dahil ang kanilang mga anak ay mag-isa ring haharap sa paghuhukom ng Dios.

Nagpapa-alala itong lahat sa atin na isa-isa tayong haharap sa Dios sa panahon ng ating kamatayan at nagbibigay paalala sa atin na mamuhay tayong may katwiran sa harap ng Dios.

Hinding hindi makakatulong sa mga taong namatay na ang kahit na ano pa ang ating ipanalangin sa kanila. Mas mabuti pang ipanalangin natin sila mula pa noong buhay pa sila, hindi yong namatay na sila.

Ngayon, para sa aking panghuling repleksyon tungkol sa topic na ito. Isa lang ang gustong ipahiwatig nito para sa ating lahat at ito ang mamuhay na na merong takut at pananampalataya sa Dios habang tayo ay buhay pa.

Mamuhay tayo sa katwiran at gumawa ng mga gawaing nakakapagpasaya sa Dios dahil ito lamang ang makakapag ligtas sa atin kung tayo ay hahatulan na ng Dios pagkatapus ng ating kamatayan.

Ang pagpanalangin ay para lamang sa mga buhay at hindi para sa mga taong namatay na dahil wala itong magagawa sa kaligtasan sa mga taong namatay na lalong lalo na kung gumawa ito ng masama dahil hahatulan ito basi sa kanyang mga gawa.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Tama bang Ipanalangin ang Isang Taong namatay na?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! 😇🙌☝️

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.