“ANS-CELLPHONE POLICY: ANSELMO SA CELLPHONE POLICY”

in #aasmnhslast month

received_1437308623528598.jpeg

Ang paggamit ng cellphone ay naging bahagi na ng pang araw-araw na buhay ng bawat indibidwal sa panahon ngayon. Sa paglitaw nito mula sa teknolohiyang makabago ay hindi
natin maitatanggi na napakalaki ng tulong at kahalagahan ng cellphone sa konenksyon, komunikasyon, at higit ay sa paaralan ngayon. Sa mundong puno ng teknolohiya at digital na impormasyon, ang mga mobile phone ay nagiging mahalagang kasangkapan para sa pagkatuto. Subalit, sa kabila ng mga positibong
aspeto nito, paano kung ang mobile phones ay hindi na magamit sa wasto? Paano kung ito’y nag-uugat na sa kapahamakan at perwisyo sa paaralan at mag-aaral? Samakatuwid ito ay
rason upang magkaroon ng patakaran na ipinatutupad sa paaralang Anselmo A. Sandoval Memorial National High School na hindi pinapayagan ang pagdadala ng cellphone sa loob ng paaralan.

Hanggang saan pa ba sasang-ayon dito ang mga mag-aaral ganoong ito’y mahalaga rin sa pag-aaral?

Ang cellphone ay maaaring isang distraksiyon sa pag-aaral at may posibilidad na magdulot ng hindi magandang epekto sa mga estudyante. Sa pagdala ng cellphone sa loob ng silid aralan, maaaring maging hadlang ito sa pag-aaral ng mga mag-aaral dahil sa kagustuhang gamitin ito sa mga hindi tamang oras. Maaari rin itong maging daan upang
magkaroon ng pagka-abala at gulo sa klase. Sa pamamagitan ng patakaran na ito, mas mabibigyang prayoridad ang edukasyon at pag-aaral ng bawat mag-aaral.Sa isang pagkakataon sa nasabing paaralan, ang mobile phone ay nagdulot ng pangamba sa
karamihan sa kadahilanang isang estudyante na naisipan mag-upload ng isang litratong kinuha rin
sa paaralan sa pamamagitan ng cellphone.Sa iresponsable niyang paggamit ng cellphone sa loob ng paaralan ay nagdulot din ng takot sa
mga taong nakabatid ng litrato at kasiraan sa paaralan.

Ang paggamit ng cellphone o mobile phone sa paaralan ay dapat na may mga limitasyon at pagsunod sa mga patakaran ng paaralan. Sa pamamagitan ng patakaran na ito,
magkakaroon ng mas maayos na sistema sa paaralan. Ang mga mag-aaral ay mas makakapokus sa kanilang pag-aaral at hindi maaabala ng labas na faktor tulad ng cellphone. Dagdag pa rito, mapoprotektahan din ang mga
mag-aaral mula sa mga masasamang epekto ng pagkakaroon ng cellphone sa kanilang mga kamay. Maipapakita rin ng mga guro at administrasyon ng paaralan ang kanilang pamumuno at disiplina sa kanilang mga mag-
aaral sa pamamagitan ng patakaran na ito. Bagaman may ganitong pagkakataon, hindi rin naman nararapat na ipagsawalang-bahala ang
positibong epekto ng paggamit ng mobile phones bilang materyal sa pag-aaral. Mahalagang tandaan na hindi pinapayagan ang pagdadala ng cellphone sa loob ng paaralan
maliban na lamang kung ito ay pinahintulutan ng adviser at subject teacher. Ito ay upang makontrol pa rin ng tama ang paggamit ng cellphones sa paaralan.

Mahalagang maintindihan ng bawat mag-aaral na ang cellphone ay isang materyal na nararapat na hindi maging hadlang sa pag-aaral. Sa huli, mahalaga na sundin at igalang ang mga ipinatutupad na patakaran sa paaralan, kabilang
na rito ang patakaran na hindi pinapayagan ang
cellphone sa loob ng paaralan maliban na lamang kung ito ay pinahintulutan ng adviser at
subject teacher. Sa ganitong paraan, mapanatili ang disiplina, katahimikan, at maayos na sistema
sa paaralan. Matutulungan din nito ang mga mag-aaral na maging mas produktibo at focused sa kanilang pag-aaral. Kaya’t mahalaga na
sama-samang sundin ang regulasyon ukol dito upang magkaroon ng magandang kapalit na magagandang resulta sa ating kinabukasan.

Iginuhit ni Lara Vivienne M. Panopio (@laviyen)