Good Tuesday morning hivers. Just want to share with you my latest updates and post in the other platform. Hope you have fun reading it. God bless.πππ
Isang maulang hapon ng Lunes po sa inyo mga minamahal kong kaingay. Napakabusy na po talaga ni Inday ngayon. Dahil sa isang "life time" decision na finally unti unti na po nating naisasagawa. Mangyari po kasi ay nakapag-isip isip na po ang inyong abang lingkod. Too old to study or too old to go back to school? Malamang oo sa estado ko ba naman ngayon hahaha.π
Let me just update you po. Happy and at the same time medyo na i stress na din ako bwhahahaha. πKasi kaninang hapon lang po ay recognition po nila Carleign. Praise God umabot kami. Pumasok po kasi ako sa work bale nag halfday po ako. Its better late than never. Each grade level have only have 30 minutes. Thank God dahil pagdating namin sa school kanina Grade 2 pa rin kaya lang ibang section na. Tapos na ang section A (section nila Carleign). Mabuti na lamang mabait ang kanilang adviser. Bumalik siya sa classroom para kunin ang kanyang medal at certificate. Nakapag march at papicture picture pa rin kami hahaha. Better late than never.πͺπͺπ
On going na din po ang pag comply ko ng mga requirements. Until this week na lang din po kasi ang enrolment ng College of Graduate Studies (CGS). Kung alam ko lang ganito kahirap mag masters sana right after college graduation nag take na ako ng masteral ko. Hahaha kung kelan naman ako tumanda saka nakapag isip na mag-aral.π
Tapos na ang panel admission interview ko noong May 31. At last week nakapagrequest na rin ako ng Transcript of Records ko. Hopefully matapos ko lahat this week. 2 subjects lang at 6 units lang po. Mid year kasi at start na po ng class namin this June 20 matatapos sa August. πͺπͺπͺπͺ Yes fighting. Atleast bakasyon na nila Carleign so ako naman ang mag oonline bwhahahah. May Sabado din ako 8am to 2pm. May synchronous din kami on week days from 5pm to 8pm. Yes after work. Kakayanin ko. Sinabihan ko na din mga kaibigan ko to take their Civil Service Exam kasi sa government yon ang unang hinahanap ang Eligibility. Good luck po pala sa lahat ng mga mag e exam this June 19, 2022.
So ayan po medyo napahaba ang aking kwento. Maraming salamat at God bless us all.πππ
#blessed #thankYouLord #proudofyouSeth
Pilipinas