"Saan ba Nagkulang?", A Filipino Poetry

in #filipino-poetry7 years ago

"Saan ba Nagkulang ?"

Maraming masasakit na salitang binitawan
Hindi na alam kung ano ang katotohanan
'Di makapaniwala sa mga sinabi
Para ba akong namamalimus na pulubi

'Di naman nagpapansin sa'yo
Gusto ko lang maintindihan mo
Na hindi ko na kayang palampasin
Ang mapanakit mong gawain

Pilit naniniwala sa mga binitawang pangako
'Yun pala'y mga salitang 'di totoo
Mapanlinlang na salita pero naniwala parin
Nagbabaka sakaling mag-iba ka rin

Naisip kong saan ba nagkulang ?
'Di ba ako naging sapat o parang balewala lang
Nagigising araw-araw na may kirot sa puso
Sana balang araw 'di na titibok itong puso

Sa susunod na naman mga ka Steemian.Sana'y na gustuhan ninyo ang gawa ko. Maraming Salamat !
Photocredits 12