Makapagbabago Kaya

in #filipino-poetry6 years ago

magbabago
pixabay

Mahal mo pa ba?

Matagal na iyon, di mo pa ba kaya?

Wala na siya, wala na ni anino niya.

Matagal na siyang inuod!

Wala na siya dito...

Ano't hinahanap mo pa ang wala?

Sabihin mong ako'y minamahal mo pa?

Bilanggo ka pa rin ba ng kahapon?

Inanod ka na ba ng kahibingan?

Makapagbabago kaya sa iyong pagtingin

kung mawala ako sa iyo? Hanggang

ngayon hinahanap ko ang pag-ibig mong

niligaw ng alingawngaw ng multo sumisigaw

sa nagdaang pag-ibig mong hinihintay mong

ilusyon at pangarap na dilim!

STEEMIT DIVERSIFY - NEW JULY 2018 - iwrite.jpg

Sort:  

panaginip lamang hahah

asan na ba siya?

may pagkalalim ang mensahe nito. nagustuhan ko ang inyong likha. 😊