PANAGHOY

in #filipino-poetry6 years ago

Ano na ba itong nagyayari?
Ba't parang unti-unting namamatay ang apoy?
Di ko mapagtanto't di mawari,
Isang malungkot na panaghoy,

Minulat ko ang iyong mga mata,
Upang masaksihan mo at makita,
Ngunit mali yata ang aking nagawa,
Pagkat ako nalang lagi ang iyong napupuna,

Ngayon ay magkasama tayo,
Ngunit parang ikaw ay nasa malayo?
Di ko madama't di maintindihan,
Damdamin mo ba'y naging bula na naglaho nalang?

Sabihin mo nalang sana,
Nang di ako magmistulang parang tanga,
Di man ako perpektong tao,
Ngunit mahal kita at yan ang totoo.

Image Source

2F7BDF81-CCF2-42FF-BC04-87BED6B27BC0.jpeg