Filipino Poetry - Sana Maulit Muli

in #filipino-poetry6 years ago

IMG_20180609_013853.jpg
https://goo.gl/images/UT7PNZ

Tamis ng pagmamahal
Alab ng puso
Ang dating masayang samahan
Unti-unting nawala
Ang dating samahang hindi na mauulit kaylaman
Nawa'y maulit muli
Ngunit alam kong hindi na maaari
Pagkat ito'y wala na
Ang dating TAYO
Ay wala na
Pagkat mayroon ng matatawag na KAYO
Tanging IKAW at AKO nalang
Tanging alaala nating dalawa
Ang siyang natira
Na malamang ay limot mo na
Ang dating masayang samahan
Na ngayon ay isa na lamang masayang alala nating dalawa
Kaylan ma'y hindi malilimutan
Kung pwde lang sanang ibalik ang lahat
Kung pwde lang sanang tayo nalang hanggang sa huli
Ngunit hindi maaari
Pagkat
Tayo'y pinagtagpo lamang at hindi tinadhana.