MCGI TOPIC REVIEW: May tao bang walang kwenta o walang silbi? πŸ™πŸ˜‡πŸ˜Š

in MCGI Cares Hive β€’ 14 days ago

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! πŸ˜‡

Maligaya akong makabalik muli dito sa Community at magbabahagi na naman ako ng aking panibagong repleksyon na maaari nating makunan ng aral hindi lang para sa aking kundi para sa atin lahat, lalong lalo na sa mga taong dumadalaw sa aking blog post dito sa community.

Ngayong araw nga na ito, aking pagbibigyan ng repleksyon ay isang mahalagang aral na dapat nating malaman dahil dito sa mundo, marami ang klase ng tao na kung ating titignan ay maaring makasasabi tayong walang kweta pero sa pananaw ng Dios ay napakahalaga.

Ang pamagat ng ating pagbibigyan ng repleksyon ay, "May tao bang walang kwenta o walang silbi?". Maarring marami tayong naiisip sa topic na ito kaya mahalagang pag-aralan at alamin natin ang iba't ibang pananaw tungkol dito na ibinahagi ni Bro. Eli sa Youtube video na ating makikita sa katapusan ng repleksyon na ito.

1.png

Bawat isa sa atin sa mundong ito ay merong iba't ibang pananaw sa mga nakikita natin, at kung mensan ay madali na lang sa atin na makapag husga basi sa kung ano ang ating nakikita sa isang tao.

Sa tanong kung meron bang tao na walng kwenta o walang silbi? Para sa aking ay walang tao na ganito, pero sa aking nasabi narin, bawat tao ay merong iba't ibang pananaw sa kung ano ang ating nakikita.

Exodo 4:11 "At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Sinong gumawa ng bibig ng tao? o sinong gumawa ng pipi, o bingi, o may paningin, o bulag sa tao? Hindi ba akong Panginoon?"

Hindi natin maikakaila na merong mga taong nakikita o nasasalamuha na mga "Bulag o Pipi", na kung ating titignan maari tayong makaka husga na ang ganitong sitwasyon ng tao ay wala nang magagawa o walang silbi, pero para sa Dios tayong lahat ay may silbi, mapa bulag man o mga pipi.

Ang lahat ng tao kahit na meron mang kapansanan ay ginawa ng Dios kung kaya walang kahit na sino man ang makakapagsasabi sa kanila na walang kwenta o walang silbi. Maraming magsasabi na wala silang silbi pero sa Dios, sila ay merong silbi dahil Siya ang may gawa sa lahat. Ganito tayo kamahal ng Dios, walang pinipili ang Dios, kahit na merong kapansanan man o wala, ang lahat ay may silbi o mahal ng Dios.

3.png

2.png

Isang magandang regalo na galing sa Dios kung tayo ay walang mga kapansanan, kung kaya dapat tayo ay magbigay ng pagmamahal sa mga taong merong dinadalang kapansanan tulad na lamang ng mga bulag, mga pipi at iba pa.

Kawikaan 19:17 "Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli."

Kung ano man ang gagawin sa ating kapwa lalong lalo na sa mga nangangailangan, mga dukha o mga taong may kapansanan, ay babayaran din tayo ng Dios. Kung bakit maraming mga taong mahihirap o mga may kapansanan, para tayo ay matututong magmahal at magbigay ng awa sa kapwa natin, at dahil ito ang gusto ng Dios na ating gawin.

Para sa mga taong mga dinadalang kapansanan dapat matututo tayong maawa sa kanila dahil higit sa lahat ang awa ng Dios ay nasa kanila na, ayon pa sa Job 29:15 "Ako'y naging mga mata sa bulag at naging mga paa sa mga pilay". Dito natin nalalaman na ang Dios ay siyang laging umaalalay sa kanila at tumutulong sa bawat araw na kanilang ginagawa.

8.png

7.png

Pinahintulotan ng Dios na merong mga taong may kapansanan tulad ng mga bulag at pipi upang mga mga taong nakakkita at nakakarinig ng mabuti ay nakakatulong sa kanila. Ito ay tumutulong sa mga tao na maging mabuting mga tao sa pamamagitan ng pagtulong sa kahit na ano mang paraan na makakabuti.

Bagamat ang bawat tao ay merong iba't ibang karanasan sa buhay, ang iba ay mga normal, meron ding mga taong may kapansanan, itong lahat ginawa ng Dios para sa kabutihan ng bawat isa. Ito ay tumutulong sa ating na maging mabuting tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng awa sa isa't isa lalong lalo na sa mga taong merong mga kapansanan.

Ngayon para sa aking panghuling masasabi o repleksyon, isa lang ang aking masasabi tungkol sa topic na ito, huwag tayong mapang husga sa mga tao lalong lalo na sa mga taong merong mga kapansanan dahil sila ay ginawa ng Dios tulad din sa mga taong walang mga kapansanan.

Hindi dapat nating husgahan ang mga taong mga bulag, mga pipi at ano pa man dahil unang una sa lahat ginawa sila ng Dios ng buong pagmamahal, at para rin tayo ay matutong magmahal at magkaroon ng awa sa kanila. Sa ganitong paraan, masasabi nating mahal na mahal tayo ng Dios dahil gusto Niya na tayong lahat ay magmahalan at magbigay respeto sa bawat isa.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "May tao bang walang kwenta o walang silbi?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Your Friend
@godlovermel25

image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.