Sarah G.'s Song Titles In Creative Writing

in Hive PH3 years ago

July 7, 2022

Ako'y litong-lito at hindi mapagtanto, mga katagang iyong binigkas bago ka lumuwas. Sa kabilang ibayo ikaw ay magtutungo, para makita ang pinapangarap mo. Ako'y humiling ng Isa Pang Araw, para magkasama Tayo sa isang Duyan. Mga bisig mo aking pinapangarap, mga halik mo aking hinihingyap. Mundo ko ay huminto, nang aking hiling ay iyong pinagbigyan. Akala ko ikaw ay mananatili, pero ito'y salungat sa aking minimithi.

Dati Sabi Mo Sa Akin, you have A Very Special Love for me. Pero bakit tila ito'y nagbago? Sino Nga Ba Siya na tunay mong Minamahal? Na kaya mong saktan ang puso ko ng lubusan? Pa Ikot-Ikot, gulong-gulo, litong-lito ang puso ko sa'yo. Bakit nga ba ako nagkaka Ganito? Na kahit ang sarili kong Sandata ay aking isinugal, maabot lamang ang matayog mong Talang matatagpuan in Your Universe. Ito ba ay Dahil Minahal Mo Ako? Ngunit iba sa ninanais ng aking puso.

Para Sa Iyo, ako'y Kaibigan Mo lamang, but I want To Love You More. Ngunit ikaw ay hindi sumang-ayon at sabi mo'y hindi ko alam ang tunay na pagmamahal. Paano Ba Ang Magmahal? Hindi ba sapat na ako ngayo'y nasasaktan? Sa bawat araw at gabi, ikaw ang tinitibok ng aking puso. Sa bawat galaw ng aking katawan, ikaw ang nakikita ng aking mga mata. Sa bawat salitang binibigkas, ikaw ang nilalaman ng aking isipan.

Isang Kilometro aking tinakbo para puso mo ay aking masuyo. I endured the pain until the Rain falls, but seems like "Forever Is Not Enough" to get you. Wala ni isang salitang binigkas nang ika'y humakbang, ngunit ako'y umiyak para Lumingon Ka Lang. Mali ba ang ika'y mahalin? "Kung Ako Na Lang Sana!", sigaw ng aking puso.

Ikaw ay huminto at ako'y nilingon, pero tila ba ikaw ay napikon. Matitigas na salita iyong ibinato, at para bang gumuho ang aking mundo.

"Mahal kita at alam mo iyon. But only as a friend. You are my bestfriend for Pete's sake!" Sigaw nito.

"How Could You Say You Love Me, if you are hurting me badly? Ako ba'y mamahalin mo kapag ako'y mawala na? Dahil pakiramdam ko'y I Won't Last A Day Without You. "Can you... Kiss Me, Kiss Me one last time?" Pabulong kong tugon.

"Patawad, pero hindi ikaw ang nilalalaman ng aking puso. Sana ay maintindihan mo ito."

Mga huling katagang sinabi mo bago ka nagtungo sa kabilang ibayo. Puso ko ay nabiyak, mundo ko ay gumuho. Sarili ko'y lumagapak sa lupa kung saan ang luha ko ay pumatak.

"I Still Believe In Loving You." Bulong sa sarili ko.

Araw ay lumipas, gabi ay bumuligwas. Anino mo'y hindi nahagilap, nilamon ng kahapong puno ng paghihirap. Sa Dulo ng tulay, ako'y nakatayo, para wakasan ang nagdurugo kong puso. Ang mawala ako'y natatanging paraan lamang, para malimot ang mapait na nakaraan.

"Huwag kang tanga sa pagmamahal, katangiang hindi kahanga-hanga!"

Mga katagang sumagi sa aking isipan, mula sa isang Ginoong nakatayo sa aking likuran.

"Anog alam mo sa aking nararamdaman? Anong alam mo sa pagmamahal?" Mga salitang pinakawalan kasabay sa pagkabasa ng mukha kong luhaan.

"Puso mo ay bato, isip mo ay gago. Bakit mo itataya ang iyong buhay, sa mundong puno ng kulay? Humarap ka sa salamin, sarili mo'y salubungin. Maybe This Time, sarili mo naman ang iyong mahalin."

"Sino ka sa tingin mo? Pagkatao ko'y inaapakan mo? Bakit Pa Ba kailangan kong masaktan ng paulit-ulit?" Tanong ko.

"Mga masasakit na salita ang iyong kailangan, para isip mo'y lubusang matauhan." Mga masasakit na salitang aking ininda.

Mga araw ay lumipas na siya'y nasa tabi ko. Sa dulo ng tulay, kami ay nagtatagpo. Gumuho kong mundo ay kanyang intinayo. Nawasak kong puso ay kanyang binago. Mapapait na nakaraan ay unti-unti natatabunan, ng mga ala-alang matatamis na hindi ko natikman kahit kailan.

Sa kanyang pagtalikod ako'y napasigaw, nag-aalalang siya ay bumitaw.

"Saglit! Ako ay may sasabihin sa iyo."

Mundo ay nagbago, oras ay huminto, malakas na tunog, tibok ng aking puso.

"You Changed My Life in a Moment." Sambit ko.

"It Takes A Man And A Woman para pag-ibig ay maramdaman, pero sarili mo sana ay hindi mo kalimutan." Sagot nito.

"Alam ko, at salamat sa iyo. At sa tingin ko.... I Just Fall In love Again."

Mga ngiti sa mukha niya ay aking nasilayan. Matatamis na kataga ay kanyang binitawan.

"Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko?" Bigkas nito.

At mga katawan nami'y pinagtagpo.

Wakas...

TO MY ENGLISH READERS:

This is a collection of song titles (highlighted words) of my favorite Filipino singer, Sarah G. that I put in one content in creative writing using our own language, Filipino.
admiresg-580x360.jpg
Image from Sarahgeronimo.Ph
This is a story of a girl who fell in love with her best friend. She did everything just to get the love she wanted to the point that she forgot to love herself. Unfortunately, her best friend doesn't love her the way she loved him. Because for him, she's just his best friend and he loved someone else more. Even though leaving her in vain gave him pain, it's the only way he thought to let his best friend realize everything and to let her love herself again.

But it's just too hard for the girl to move on, and thinking about ending her life was a good way to forget the painful past. Until someone saved her from being drowned in the dark hole of the past. The new guy helped her see the beauty of the world, cherish her life, and love herself again.

Because of him, the girl finally moved on from the past, forgot the pain, and learned how to love again. She found real love from the guy who helped her change her life. And the guy fell in love with her as well.

Why force someone to love us if we can love ourselves? Then later someone will love us unexpectedly. We can invest in love, but let's not forget to love ourselves more than anyone else. Because if the world turns upside down, it is only ourselves who can help us get back on track.

Here is Sarah G.'s list of songs:

2763849efe91ee27191c3f375f448293.jpeg

I hope you like it. You guys can try this kind of writing too. Make song titles as prompts and create a story 🙂.

Sort:  

Mukhang mapapahamon na naman ako sa pagtatagalog ah hahaha. Mahusay at malikhain ang pagkakasulat. Naiparating mo ang isang likha gamit ang pamagat ng mga kanta.

Isa sa mga tumatak sa'kin is yung rendition ni Sarah sa Bituing Walang Ningning. Dabest hahaha

Oi.. You are here too hehe

yes po hehehe

 3 years ago  

Ang husay po talaga ate Jane ng pagkakasulat po dito. Ang ganda ng pagkakatagpi-tagpi ng mga titles at ibang part ng lyrics. Bumalik na naman sakin yung kantang Maybe this Time. Ang ganda lang din ng mga kantahan ni Sarah G. Patok sa masa at videoke. Haha.

Hehe..thanks..idol ko yan eh

 3 years ago  

Napakahusay naman talaga madam, isang tunay na Pilipino may pagmamahal sa sariling wika. Charrrr haha.

Oi oi..andito kna ulit 😍

 3 years ago  

Hehehe tingnan ko lang madams if kakayanin na ulit hihi

Basta ganitong sulat tlaga paka talented jud.
Galing. Mga kanta ni sarah g na ginakanta namong magsuon sauna hahaha. Karon di na kaabot.

Hehe..thanks

Galing galing naman tlga eh

 3 years ago  

Sarah G, is one of my crush. Just so simple lady hehe.

Nice seeing you here hehe

Wow this is a really beautiful idea Janey.

Sarah has gone through a lot but I'm so happy she found herself and also find someone who loves her and she loves.

It's true, in the end we only have ourselves so it's best to love ourselves first before anyone else.

These are lots of songs sang by her, she is obviously a good singer. Thank you so much for sharing this with us Janeti 🤭.


Hope you are having fun with the challenge, have you seen dreemport's post lately? If you've not seen it, here it is https://ecency.com/dreemerclues/@dreemport/you're-in-the-right-place-nice-job drop by to check it out.

Thanks for dropping it..
It's not Sarah's story. The songs are.....

Oh, now I get it, it's just a creative writing.

So sorry, I didn't get that part clearly 😏.

Congratulations @jane1289! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s):

You got more than 2250 replies.
Your next target is to reach 2500 replies.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out the last post from @hivebuzz:

Our Hive Power Delegations to the June PUM Winners
Feedback from the July 1st Hive Power Up Day