Bakit Importante Na May Tagalog Content Sa Hive?

in Tagalog Trail5 months ago

(Edited on Canva)

Para sa prompt nitong Linggo sa @tagalogtrail community,naitanong kung 'Bakit importante na may tagalog content sa hive?'. At nais kong ibahagi ang aking pananaw tungkol dito.

Bakit kunti lang ang gumagawa ng content na tagalog?

Ito ay sa kadahilanang kunti lang ang nakakaintindi ng lengguwahing ito, at tanging mga Pinoy lang din ang nakakaintindi. Kalimitan ginagamit lamang ang tagalog kapag tulad nito na may mga katanungan o mga prompt na dapat sagutin sa wikang tagalog.

Mabuti sana kung ang lahat ng nasa hive eh naiintindihan ang wikang ito. Kaysarap siguro lagi magsulat at di na ako nahihirapan pang mag isip kung ano sa Ingles ang mga salitang naiisip kong gamitin.

Isa sa pangunahing rason naman kasi na kaya tayu dito nagsusulat eh para sa reward na matatanggap. Oo nga at ganun rin naman ang rason ko, pero andun rin naman kasi ang dahilan na maibahagi lalo na yung craft ko sa paggagansilyo at maiintindihan yun lahat ng mga kapwa ko crafters kung sa wikang Ingles isusulat.

Pero bakit importante parin na may tagalog content sa hive?

Halos lahat naman ata ng Pinoy na andito eh gusto parin naman magsulat ng tagalog content. Nakakataba pa rin ng puso kapag may nababasa kang content na tagalog. At mabilis akong nakaka konekta sa manunulat kapag tagalog dahil mas naiintindihan ko at mas madali rin ang pagkomento dahil nga tagalog.

Importante din na paminsan minsan eh nagtatagalog sa mga sinusulat natin para masanay parin naman tayu sa wikang tagalog. Nakikita parin natin yung mga pinoy na magaling parin naman gumamit ng wikang tagalog at di parin nakakalimot.

Ano-ano ang mga salik o factors na makatutulong upang laging magsulat ng nilalamang tagalog?

Ang palaging pagsulat ng nilalamang Tagalog ay isang mahalagang gawain para sa pagpapalawak ng wika at pagyabong ng personal na kakayahan sa pagsusulat ng tagalog. Pero kelangan parin natin ng mga dahilan minsan para tumulak sa atin na magsulat.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa alam kong makatutulong:

1. Mga tagalog prompt sa Tagalogtrail community

Nagpapasalamat ako ky @tpkidkai sa mga katanungan o prompts para sa una at ikalawang linggo na naitala sa kumonidad na ito dahil ito ang naging daan para makapagsulat ako base sa binigay nyang topiko araw-araw. Malaking tulong ito upang magkaroon ng guide sa topikong isusulat.

2. Pagsasanay sa pagsusulat ng maikling kwento, tula, o sanaysay ukol sa mga karanasan sa buhay.

Mas madali rin ang pagsusulat kung ito ay batay sa mga sarili nating buhay o karanasan. Naibabahagi natin pati na ang damdamin natin na nakapaloob sa isang sitwasyon.

3. **Pagbabahagi ng komento o reaksyon sa nabasa o napakinggang Balita, lokal o internasyonal.

Marami tayong nasasagap na Balita sa araw-araw na pamumuhay sa buong mundo. Pwede nating gawan ng content sa pamamagitan ng pagbibigay ng payo sa mga suliranin na kinakaharap o kaya naman mga reaksyon sa mga pangyayari sa paligid.

Nawa'y naibahagi ko nang Tama at malinaw ang aking kasagutan para sa katanungang "Bakit Importante Na May Tagalog Content Sa Hive?".

Para sayu, bakit nga ba?



Kung nagustuhan mo ang aking sinulat ngayon, pakipusuan mo naman. 😍😉

To God Be The Glory


Sort:  

Well, totoo talaga na mostly rewards ang dahilan kaya tayo andito at kaya, ingles ang ginagamit nating lingwahe since mga ingles ang nagbibigay ng malaking upvote. Ang masasabi ko lang, bakit hindi magsulat ng tagalog paminsan-minsan, kalimutan ang pera at mag focus sa maipalabas kung anong nararamdaman.

Tama, limutin muna ang pera at magkwento tungkol sa buhay.