Announcing "Word Poetry Challenge" #1. Tema : "Larawang Kupas" | Tagalog Edition

in #pilipinas6 years ago

Hello mga Makatang Pinoy!

Ako'y lubos na nasasabik na ianunsyo ang "Word Poetry Challenge (Tagalog Edition)", isang patimpalak na naglalayong maipakita ang kagandahan ng tulang nilikha ng ating kapwa kababayan at sila'y gantimpalaan sa kanilang bukod tanging mga gawa na inilathala sa Steem Blockchain. Ang bukod tanging patimpalak na ito ay nais masaksihan kung gaano ka malikhain ang mga Pilipino. Ang ating temang "salita" ay sya ring ating magiging "Paksa" sa tulang gagawin.

Ang patimpalak na ito ay ginagawa kada linggo na may ibang Temang Salita. Ito'y kapana-panabik!

Paano Sumali sa Patimpalak na Ito?

"Larawang Kupas"

Simple lang, gumawa ng isang tula na tugma sa Tema ng patimpalak na ito. Ang temang salita ay dapat maging pangunahing paksa ito sa iyong ginawang tula. Sa ngayon, ang ating temang salita ay "Larawang Kupas". Ang mga patnubay na ito ay dapat masunod para maging valid ang iyong entry.

Guidelines | Rules

  • Ang pamagat ng entry ay dapat : "Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas"

  • Ang iyong unang tag ay dapat #wordchallenge

  • Ang entry sa paligsahang ito ay dapat Tagalog

  • Ilagay mo sa comment section ang link ng iyong entry para maging valid ito.

  • Hanggang dalawa lamang ang maximum na entry sa paligsahang ito bawat user.

  • Lahat ng mga pinoy ay pwedeng makalahok sa paligsahang ito.

  • Ang nailathala ay dapat orihinal mong katha at hindi pa nailathala sa ibang sites (Automatic Disqualification kung mapatunayan)

  • Ang mga larawang gagamitin ay dapat orihinal o dapat maayos na nai-credit sa may-ari.

ezgif.com-gif-maker_16.gif

Gantimpala

Winner - $10

1st runner-up - $5

2nd runner-up - $3

Ang deadline ng pagsumite ng Entries ay ngayong May 13, 2018 at 11:59 p.m. (GMT +8). Ang mga huling mga naisumiteng entry ay hindi na tatanggapin.

Ang mga mananalo sa patimpalak na ito ay iaanunsyo sa May 14, 2018 kasama na ang gantimpala sa mga mananalo.

Ang Unang Hurado ay ako : @jassennessaj


Paano Sumoporta sa Patimpalak na ito :

  • Gumawa at magsumite ng entry sa patimpalak na ito.
  • I-upvote ang post na ito.
  • I-resteem ang post na ito.
  • Magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
  • Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email [email protected]

Aasahan ko ang iyong Paglahok kabayan! :)

Ako'y lubos na nagpapasalamat kay @jason04 sa napakamatinding mga graphics design para sa paligsahang ito. Lubos ang aking galak sa iyong tulong, kabayan.

ezgif.com-gif-maker_16.gif

Sort:  
There are 2 pages
Pages

Aasahan ko ang inyong mga entry mga kabayan. Lahat ng mga Pilipino ay kasali :)

Sa mga nais lumahok, mariing i-komento nyo po ang inyong post link sa post na ito ng sa ganun maging valid ito.

Hello po! Di po ako marunong magsulat ng tula sa tagalog pero ginawa ko makakaya ko na maisulat ito.

https://steemit.com/wordchallenge/@iyanpol12/word-poetry-challenge-1-larawang-kupas-8192fbf5b970c

Hello kabayan! Narito ang aking lathala. Sana ay magustuhan mo. Salamat sa opotunidad na maibahagi namin ang aming pagiging makata.

https://steemit.com/wordchallenge/@wondersofnature/word-poetry-challenge-1-larawang-kupas

Napakahusay naman ng iyong kathang tula kabayan..

Ohhh, salamat kabayan :)

Ito na po ang aking katha para temang "Larawang Kupas"!
https://steemit.com/wordchallenge/@eineque/word-poetry-challenge-1-larawang-kupas

Isang kabigha-bighaning katha @eineque,, mahusay!

Kamusta pi Ginoong @jassennessaj.
ito po ang entry ko sa patimpalak na piningungunahan nyo po.
https://steemit.com/wordchallenge/@joco0820/word-poetry-challenge-1-larawang-kupas

maraming salamat po dito !!

Magandang Araw sa ating lahat.
ito po ang tula
ng sarili kong akda
aking isasalang
sa ganitong paligsahan

https://steemit.com/wordchallenge/@joco0820/word-poetry-challenge-1-larawang-kupas

thank you Ginoong @jassennessaj

pwede mu apil? hahahahah

Apil miiiii!!!

Magandang paliksahan 😊 ito ay isang paraan para makakapgbuklod tayong mga pilipino at para mapreserba natin ang ating wika. Salamat at nay patnubayan ka ng ating Panginoon. 😊

char! pasok, @jembee! HAHAHAHAH

HAHAHAHAHAHHAHA

Mga Ginoo at makata, Ito na ang inyong pagkakataon

Ako'y lalahok! :)

Uy may contest 😍 upvoted and resteemed!

Ang lakas maka spammer lang.

Maraming salamat po sa paggawa na isang napakagandang patimpalak nakung saan mahahasa ang talento at angking galing ng bawat pilipinong Steemian. Mabuhay ka kapatid
https://steemit.com/wordchallenge/@brapollo29/word-poetry-challenge-1-larawang-kupas

Ikalawa ko pong Ilalahok sa Patimpalak.
https://steemit.com/wordchallenge/@brapollo29/4hiy6t-word-poetry-challenge-1-larawang-kupas

subukan ko pong lumahok

maraming salamat po sir @jassennessaj sa patimpalak na ito. ito po ang aking entry sana po ay maibigan nyo.
https://steemit.com/wordchallenge/@llivrazav/word-poetry-challenge-1-larawang-kupas

gandang hapon ito po ang entryko kabayan.
https://steemit.com/wordchallenge/@eldean/word-poetry-challenge-1-larawang-kupas-tagalog-edition-1 maraming salamat sayo.

Salamat sa iyong pagpapasimula sa patimpalak na ito. Isa na naman itong paraan para maibahagi ng mga talentado at makatang mga steemian ang kanilang mga obra. Ito ang tula ko :

https://steemit.com/wordchallenge/@mcamayra/word-poetry-challenge-1-larawang-kupas

Ako'y labis na nagpapasalamat at aking natuklasan ang ganitong patimpalak, pagdamutan po ninyo ang aking munting nakayanan...
https://steemit.com/wordchallenge/@sweetcha/word-poetry-challenge-1-larawang-kupas

Ipinagmalaki kung ibahagi sa inyo ang aking entry para sa patimpalak na ito,
https://steemit.com/wordchallenge/@juichi/word-poetry-challenge-1-larawang-kupas

Maraming salamat @jassennessaj.

There are 2 pages
Pages