Isip ay gamitin, puso ay huwag unahin
Ipagdasal at isipin ng mabuti
Bago gumawa nang baby
Itanong sa sarili,
Kaya mo na bang bumuhay at maging responsable?
Ang isang inosente
Huwag sayangin dahil lang sa isang pagkakamali.
Makailang ulit na timbangin
Pag aaral ay dapat tapusin.
Mga magulang ay pakinggan
Sila ang lubos na nakakaalam,
Hindi madali ang buhay.
Huwag padalos dalos ng desisyon
Maghintay sa tamang panahon.
Huwag maging mapusok
Pagkababae ay yong pahalagahan
Kung tunay ka niyang mahal
Iisipin nya rin ang iyong kinabukasan.
Katawan ay ingatan
Sagrado ito at huwag pabayaan
Hinubog ka ng Diyos buhat sa pagmamahal,
Isa kang pinagpalang nilalang.
Huwag basta basta
Maniwala sa salita.
Mabulaklak na pangako
Karamihan nito ay napapako
Baka isa ka sa mapaasa nito.
Babae ka at hindi laruan
May isip at tamang katinuan
Pagkontrol sa sarili ay kaya mong gawin
Lagi isaalang alang kong ano ang sayo'y makabubuti.
Laging tandaan babae ka man
Ikaw ay may karapatan,
Ingatan ang puso, sarili ay pahalagahan.
Tibayan ang loob hanggang makamit ang tagumpay.
Ito ang tunay na yaman na di makukuha ninuman.
Babae
04 / 21 / 2018
Be a member on our Facebook page -- Click this Link
Your steem friend,
-Niño M.-
napakaganda po ng tula niyu sir.. paano po gumawa ng ganitu? ano po yung inspirastion ninyu?
wow what a nice Filipino poetry! keep it up bro.