"Natuldukan" : Isang Tula

image
Photo Source

Nagsimula tayo sa mabulaklaking mga salita .
Nagpatuloy tayo sa hugutan ng nagtagal na .
Sumunod na ang pagiging multo natin sa isa't isa,
Kapwa na tayo nagpaparamdam sinta .

O kay sayang mahalin ang buong ikaw .
Masakit nga lang dahil lahat ay palihim , maski ang aking pagtanaw .
Puso'y laging masigla kahit na sa gabing maginaw .
Pero gising ako sa katotohanang nagmahal ako ng isang mababaw .

Ganito pala ang pakiramdam na nagtatalo ang puso at isipan .
Ako lang pala ang multo sa ating dalawa ,
Sapagkat isa kang malaking paasa.
At ako ? Eto , nageenjoy sa pagpapakatanga .

May mga relasyong panandalian.
Isang relasyong di uso ang forever kaya parehong nasaktan .
Mahal - Ayy Pasensya ! Natandaan ko , hindi nga pala tayo naging magkasintahan !
I just want to clarify , Ako lang pala yung nasaktan .

Hindi na kita pakikiusapan
Na ang puso ko ay iyong pakisamahan
dahil ngayon , kahit ikaw pa si superman
Taas noo ko pa ring masasambit ang mga katagang ,
"Ang aking pagmamahal sayo ay tuluyan ng natuldukan ."