Magandang gabi mga kasteemian..kumusta na po kayong lahat? ako gaya pa rin ng dati pagod pero masaya dahil naging
produktibo ang araw ko.
Habang ako ay namamahinga, naisipan kong magbuklat buklat sa mga larawan sa mga albums ko. Habang nagbubuklat ako, ako ay napadako sa mga larawan na kuha namin noong kami ay namasyal sa lungsod ng Tagaytay. Ang Tagaytay ay isa sa mga dinarayo ng mga turista dahil sa mga naggagandahang tanawin na makikita dito..
Habang kami ay naglalagbay, kami ay tinanong ng aming tour coordinator kung gusto namin puntahan ang isang inabandonang malakastilong palaruan at pasyalan. Noong una, nag isip ako dahil naisip ko na kung abandonado ito ay baka sukal at naglalakihang gagamba lang makikita namin dito.pero pumayag na rin kaming puntahan ang lugar dahil na rin sa sinabi ng aming coordinator na maganda ito.
Mula sa mismong syudad ng tagaytay ay naglakbay kami ng halos isa pang oras marating lang ang lugar ng abandonadong pasyalan.Ang isang oras naming paglalakbay ay sulit ng aming masilayan ang ganda ng abandonadong palaruan..
()
Ako'y labis na namangha sa aking nakita at hindi ko inaasahan na akoy makakakita ng isang kastilyo dito sa Pilipinas.
Sa labas pa lang ay namangha na ako sa ganda ng inabandonang palaruan at pasyalan pero mas lalo akong namangha sa ganda ng kapaligiran sa loob nito.
Sa nakita kong ganda ng kastilyo na tinawag nilang Fantasy World, di ko maiwasang magtanong paano nila nagawang pabayaan na lang ng ganon ang mala pantasyang lugar na ito?..
Malaki ang lugar dahil halos sinakop na nito ang isang bundok.At kahit saang panig mo ibaling ang iyong paningin ikaw ay mamamangha sa ganda ng mga tanawin na iyong makikita.
Ako at ang aking mga kasama ay nagtagal ng mahigit isang oras sa lugar na ito at halos ayaw na naming umalis dahil kaming lahat ay nabighani sa aming mga nakikita.Napakaganda!! nakapanghihinayang nga lang dahil ito pinabayaan na lang.
Habang paalis kami sa lugar di ko maiwasang di lumingon ng paulit ulit at di maiwasang malungkot dahil ang mala pantasyang lugar na ito na dapat sana pakikinabangan ng maraming tao ay mapapabayaan na lang ng ganon at sa paglipas ng panahon ito ay mananati na lang pantaaya sa mga bata at maraming tao..
This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond
wow... its so inspiring to save for travel... i know its good to take a break if only have enough...
thank you so much sis :-)
Nice place especially if you have kids they will amaze a castle like this.
I'd love to go there one day.
magugustuhan nyo po dito ma;am
Mannag @willow1114 kayat ko met dita...nagpintas!!!
intayonto agpasyar dita ading no makapan kayo ditoy manila
magagandang tanawin!
great post sir nice work done!!!followed you,if you are interested in health tips,please follow me at https://steemit.com/@billi007 (,please follow me
thank you.