Pera Lang Ako

in #tula7 years ago

rich-2898999_960_720.jpg
Photo source.

Sa tinagal-tagal ko sa mundong ito,
Hanggang ngayon, di ko pa rin mapagtanto
Kung paanong ikaw na tao
Ay kaya kong bilugin ang ulo
At paikutin sa mga palad ko.

Naalala mo pa ba nung hinoldap mo
Ang mamang nagbebenta ng balut sa kanto?
Naisip mo ba kung paano syang nagtrabaho
Upang kahit na papaano ay maiuwi kay bunso?
Nakakaawa ka talaga, tao!

Nung sinira mo ang tiwala
At paanong kinalimutan ang ibang biyaya
Sa kadahilanang pera ay sayo mas mahalaga.
Tao, gumising ka!
Mas mainam na sa gabi ay nakakatulog ng maginhawa
Kesa lamunin ka lang ng pera.

Simpleng kasiyahang hatid ng kaibigan
O kahit sa simpleng bagay ang iba ay matulungan
Eto may mas dapat na pahalagahan.
Sapagkat ako ay pera lamang
at sa akin ay wag kang maging gahaman.