TUESDAY Morning! - Ortigas, Pasig.
6AM - Labasan na sa office, Yes! Uwian na!!! Madilim ang langit. Mukhang uulan. Apat kameng magkakaibigan na sabay umuuwi papuntang MRT - Shaw station. Nagsimula na kameng maglakad. Paunti unting patak pa lang ng ulan / ambon hanggang palakas ng palakas. Buti may payong akong dala, swerte. Pagkalipas ng dalawang kanto, tumigil na mga kasama ko dahil hindi na kaya ng patakbo takbo lang dahil wala din silang dalang payong, ako, itinuloy ko na.
Paglipas ng isang kanto, lumalakas na hangin. Nababasa na ang damit ko. "Kaya pa! SUGOD!!!". Isang kanto pa ang nalagpasan, BAHA NAMAN! Cge, Sugod ulit!!! Basa na din naman ang sapatos ko, naisip kong kailangan ko na din namang labhan. Hahahaha! Nakarating naman ako ng MRT Shaw station. Patigil na din ulan, maraming tao ang naghintay na patilain nalang kesa mabasa. Siguro e papasok pa lang sila sa trabaho, di gaya ko na pauwi na.
MRT - tinitignan ako ng mga tao. "Bakit basang basa to?". Haha. Buti nalang at medyo maluwag ang nasakyan ko. Hindi ako madidikit sa iba at may kasama naman akong kasasakay lang at basang basa din. Byahe - FB - Music. Pagdating ko sa Cubao station, aba! Tuyo ang daan. Malas. Para akong galing beach na hindi man lang nakapagbihis. Anyway, uwian na din naman. Derecho palengke, bumili ng mailuluto. At pinagtinginan na naman ako ng mga tao sa jeep dahil basa ako. Sorry na po! Di ko naman ginusto to! :D
TINOLA! Paburito ni kulot ang sayote!!! Pagkauwi ng bahay, palit ng damit at magreready na para magluto. Kain, Laro ni Kulot, Laba ng sapatos, tulog!
How was your Tuesday?! Naranasan nyo na rin bang sumugod sa ulan at tuyo sa lugar na pupuntahan??? Hahaha
(Picture grabbed from Pexels.com)