Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan

in #wordchallenge7 years ago (edited)

Ito ang unang beses ko na gumawa ng spoken word poetry. At ito din ang unang beses ko na sumali sa patimpalak ni ginoong @jassennessaj. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking likha.



Kawasan Falls

Magkaibigan tayo!
Hindi ko alam kung ito ba ang simula o katapusan.
Hindi ko masabi kung ano ang kahahantungan
Kung panaginip man ito, ayoko na magising
Pinipilit baluktutin ang reyalidad na isang ilusyon ka lang din.

Nagsisisi na dapat hindi na inumpisahan
Ayoko rin naman na malagay tayo sa alangan
Tanggapin kung anuman maging patutunguhan
Pero lakas ng loob lamang ang aking puhunan

Nagbago na lahat, bumabaw ang malalim
Tayo'y nagtapat ng mga nararamdaman natin
Hindi ako sanay, napakadami ng nagbago
Naging suliranin ko ang pagiging mailap mo

Takot, duda, lungkot at tampuhan
Ang mga emosyong ito ay napalitan ng--
Mga tawanan, saya, biruan at kwentuhan
Kusang bumabalik, naglalaro sa isipan

At tulad ng apoy, hindi kita mahawakan
Isa lamang akong gamu-gamo na sa kariktan mo ay nadarang
Wag mo akong itulak palayo kung ika'y aking lalapitan
Maging masaya sana tayo at wag magsakitan

Nagdesisyon pa rin tayo na magkita doon
Kahit alam ko maraming hindi umaayon
Handa akong baliktarin ang mahirap na sitwasyon
Hindi ko man kakampi ang oras at pagkakataon

Sa Cebu na siyang magiging Tagpuan natin
Pupunta pa rin ako kahit alam kong hindi ka makakarating
Aakyat sa pinakamataas na bahagi ng bulubundukin
Aking isisigaw "Mahal kita, sana ika'y mapasa-akin!"


Mababaw lang ba ang pagkakadetalye?
Kung gusto mo ng mas malungkot na bersyon,
Basahin simula sa pinakababa na linya pataas.
Masasaktan ka bes. Pramis! 😢

Sort:  

Congratulations @johnpd your post has been featured at Best of PH Daily Featured Posts.
You may check the post here.


About @BestOfPH

We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.

See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord

awts 😭 akala ko ako lang ang madrama hahaha ikaw din pala

nyahaha! hindi naman. minsan kailangan lang talaga humugot para maipakita ang emosyon sa ginagawang tula. first time ko kaya gumawa ng ganito. heheh 😊


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

thank you po ulit c2 at sa naglapag at nagpush nito. sobrang maraming salamat po sa suporta.

Ako ay nadadarang habang binabasa ang iyong akda at malakas ang dating sa madla..gudluck po kabayan @johnpd sa iyong lahok sa patimpalak ni ginoong jassennessaj.

maraming salamat po kabayan @blessedsteemer
salamat din kay sir jassen sa mga patimpalak na ganito at nabibigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong Steemians na makibahagi at magsulat ng sarili nilang kathang tula.
nawa'y marami pang Pilipino ang makadiskubre na may kakayahan pala sila na maging makata.
salamat po muli. 😊

Tama ka dyan kabayan..patuloy lang sa paglikha ng mga malulupet na mga katha. Pagpalain ka ng Panginoon.😇

panalo na ito
ISANG MABANGIS NA REVERSE POETRY
ANG HIRAP GUMAWA NG GANITO
LODI KA TALAGA!!!!

nyahaha! huy, maka-mabangis ka naman dyan?! hayop lang??? ung gumawa siguro mukhang animal. nyahaha! joke lang. pero thank you master BD boom. ikaw ang tunay na lodi. 😂

magdsound ka na rin gaya ng pinuno natin

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

wow Lodi na sir @johnpd, hands down. galing ng gawa mo.

salamat sir @fherdz natutuwa po ako na nagustuhan ninyo ang gawa ko. 😊

Ang ganda talaga sir.

Kamangha-mangha! Hindi mababaw sapagkat bumaon sa akin. Hindi nga lang sa Cebu ang tagpuan pero relatable.