You are viewing a single comment's thread from:

RE: Question Of The Weekend: Your Favorite Teacher | QOTW Last Week's Winner Announcement

in Hive PH8 months ago

Ahh, I have so many favorites! Ako kasi yung isa sa mga students na mahilig magbitbit ng gamit ng teachers (anything to get me off of my seat, really) hahaha. Usually kung di ako nakikipaglaro, nakikitambay ako sa mga classroom ng mga teachers~

Isa sa mga tumatak sa'kin na teacher is one from my high school days. Andami niyang tinuturo - AP, English, Humanities, tapos siya rin moderator namin for the school's newsletter. Gradeschooler pa lang ako, excited na 'kong matuto sa kanya eh. Something about her vibe, I guess. Kaya niyang makipagsabayan sa mga makukulit naming kaklase pero kaya niya ring i-command yung attention mo sa kanya.

'Di ko maaccess yung youngster memories ko pero alam 'kong isa siya sa mga rason kung bakit ganito ako ngayon. Mas natuto akong gumamit ng Filipino dahil sa pakikinig sa kanya - na kung gusto mong mas maraming tao ang makaintindi sa'yo, dapat marunong kang mag-Ingles at Filipino. Siya rin yung rason kung bakit mas napalapit ako sa creative side ko at siya rin yung isa sa mga nagmulat sa'min sa mga political matters ng bayan.

Hanggang ngayon nagtuturo parin siya - and in the same school! Sign na rin ata 'tong QOTW para bumisita ako dun hahaha.

Psst. Kayo, sinong favorite teacher niyo? @alliebee @jude.villarta

!PIZZA

Sort:  
 8 months ago  

Bisita na yan!!